
Suporta sa Problema sa Pagsusugal sa ACT (Gambling Support ACT)
Ang Suporta sa Problema sa Pagsusugal sa ACT (Gambling Support ACT) ay isang serbisyong pagpapayo, suporta, at impormasyon para sa mga taong nahihirapan dahil sa pagsusugal at ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga serbisyo ay libre, kompidensyal, at gumagana sa buong estado.
Ang harapang pagpapayo ay makukuha sa pamamagitan ng Suporta sa Problema sa Pagsusugal sa ACT (Gambling Support ACT), o sa libreng pagtawag sa Gambling Helpline na bukas 24/7: 1800 858 858.
Tulong sa mga wika maliban sa Ingles
Kung hindi Ingles ang iyong unang wika, mayroong suporta para sa iba't-ibang mga kultura at wika sa komunidad.
Serbisyo sa Pagsasalin-wika at Pag-iinterprete (Translation and Interpreting Service -TIS)
Kung gusto mo ng libre at kumpidensyal na payo at suporta na ibinibigay ng Suporta sa Problema sa Pagsusugal sa ACT (Gambling Support ACT) ngunit gusto mong makipag-usap gamit ang iyong unang wika, maaari ka pa ring makakuha ng kinakilangan mong tulong:
- Tawagan ang Translation and Interpreting Service (TIS) sa 131 450.
- Humiling na makipag-usap sa Suporta sa Problema sa Pagsusugal sa ACT (Gambling Support ACT) sa 1800 858 858 sa iyong wika.
- Tatawagan ng TIS ang Suporta sa Problema sa Pagsusugal sa ACT (Gambling Support ACT) para sa iyo.
Ang mga tawag sa TIS ay kasing-halaga ng lokal na mga tawag mula sa landline. May karagdagang bayad para sa mga mobile phone.
Serbisyo sa Pagsasalin-wika at Pag-iinterprete (Translation and Interpreting Service -TIS)
Anong uri ng suporta ang hinahanap mo?
Ang pakikipag-usap sa isang tagapayo tungkol sa suliranin sa pagsusugal ay isa pang paraan para makakuha ka ng suporta kung nababahala ka man sa iyong pagsusugal o sa pagsusugal ng ibang tao.
Maraming dahilan upang makipag-usap ang mga tao sa isang tagapayo sa pagsusugal:
- para bumuti ang pakiramdam, maging mas masaya, mas malusog.
- upang pag-aralan at pamahalaan ang mga udyok ng pagsusugal.
- upang tingnan kung ano ang mahalaga sa kanilang buhay at muling suriin ang kanilang mga prayoridad.
- upang mapabuti o ayusin ang pakikipag-relasyon.
Ang ACT Gambling Support Service ay nag-aalok ng suporta para sa mga tao upang malaman ang kanilang mga layunin at paraan upang makamit ang mga ito. Nagbibigay ang mga ito ng mga hanay ng kapaki-pakinabang na mapagkukunan at impormasyon, kabilang ang harapang pagpapayo, pagpapayo sa telepono, online na suporta, mga self-help workbook at materyal na pang-edukasyon, mga nagsusuportang grupo, pagbubukod ng sarili at mga pagsasangguni sa labas.
Isang mahusay na paraan upang magkaroon ng kontrol ay ang pagpapasya na harangan, ipagbawal o hadlangan ang iyong sarili mula sa isa o mahigit pang mga pinangalanang lugar ng pasugalan o sa mga online na serbisyo. Ito ay tinatawag na self-exclusion.
Makakatulong ang self-exclusion kung gusto mong gawing madalang, magliban o huminto nang tuluyan. Ikaw ang pipili ng lugar kung saang ayaw mong pumunta. Kahit sino ay maaaring gawin ito, at ito ay libre.
Lahat ng mga lisensyadong nagpapasugal sa Australya ay kinakailangang magbigay ng paraan upang matulungan kang ibukod ang iyong sarili.
Maaari mong ayusin ito nang direkta sa pamamagitan ng service o sa pamamagitan ng tagapayo tungkol sa suliranin sa pagsusugal sa 1800 858 858.
Kasama sa mga venue ngpagsusugal sa ACT ang mga club, hotel, tavern, casino, at mga outlet ng TABCORP ACT. Ang isang tao ay maaaring humiling ng tulong mula sa venue ng pagsusugal (sa pamamagitan ng Gambling Contact Officer), ang Gambling Support Service ng ACT o kumuha ng self-exclusion Deed at direktang ihain ito sa ACT Gambling and Racing Commission (ang Komisyon).
Maaari kang makakuha ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng pakikipagkontak sa Komisyon:
- Mag-email sa: [email protected]
- Tumawag sa: (02) 6207 0359 (Option3)
BetStop – the National Self-Exclusion Register™
BetStop – the National Self-Exclusion Register™ ay isang libreng pambansang serbisyo upang ibukod ang iyong sarili mula sa lahat ng lisensyadong Australian na serbisyo sa online at pagtaya sa telepono sa isang hakbang. Alamin ang higit pa tungkol sa BetStop - ang National Self-Exclusion Register o makipag-ugnayan sa Suporta sa Problema sa Pagsusugal sa ACT kung gusto mo ang aming tulong na magparehistro.
Ang ACT Gambling Support Service ay nakikipagtulungan sa Care Financial Counselling Service upang tulungan ang mga tao na nahihirapan sa pananalapi, nag-aalok ng pagpapayo at impormasyon tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pinansya.
Ang Care Financial Counselling Services ay maaaring:
- tasahin ang iyong mga pananalapi, ipaliwanag ang iyong mga pagpipilian at makipagtulungan sa iyo upang bumuo ng isang plano batay sa iyong mga prayoridad at layunin
- Mag-alok ng impormasyon at mga tip sa pananalapi, kabilang kung paano maprotektahan ang mga kayamanan.
- makipag-ayos sa iyong mga utility provider (kuryente, gas, telepono) at iba pang mga provider upang makabuo ng mga plano sa kayang pagbabayad
- Makipagtulungan sa mga nasa hustong-gulang o mag-asawa upang magtatag ng mga epektibong sistema na mkakakasuporta sa matatag na relasyon.
- isangguni ka sa iba pang mga serbisyo ng espesyalistang suporta na maaaring kailanganin mo, kabilang ang pagpapayo, mga serbisyong legal, at pang-emerhensya at tulong sa multa (fine relief).
Alamin ang higit pa tungkol sa mga mapagkukunan ng Care Financial Counselling Serviceo tumawag sa 02 6257 1788.
Minsan ang pakikipag-usap sa isang tao na 'dumaan na sa ganito' ay maaaring makatulong sa iyong pagbangon, lalo na kung mahirap makipag-usap sa iba tungkol dito. Nagbibigay kami ng mga opsyon sa Peer Support.