Kamalayan sa Problema sa Pagsusugal sa NSW (GambleAware NSW)

Ang Kamalayan sa Problema sa Pagsusugal sa NSW (GambleAware NSW) ay isang serbisyong pagpapayo, suporta, at impormasyon para sa mga taong nahihirapan dahil sa pagsusugal at ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga serbisyo ay libre, kompidensyal, at gumagana sa buong estado.

Ang harapang pagpapayo ay makukuha sa pamamagitan ng Kamalayan sa Problema sa Pagsusugal sa NSW (GambleAware NSW), o sa libreng pagtawag sa Gambling Helpline na bukas 24/7: 1800 858 858.

GambleAware NSW 
 

Title immediate help cald 3
Tulong sa mga wika maliban sa Ingles

Kung hindi Ingles ang iyong unang wika, mayroong suporta para sa iba't-ibang mga kultura at wika sa komunidad.

IBA PANG MGA WIKA

First nations 22
Mas gusto ko ang pang-First Nations na serbisyo

Kung nag-aalala ka tungkol sa pagsusugal, makipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo tungkol sa iyong mga alalahanin. Ang ilang mga organisasyon ng First Nations ay may mga manggagawa para sa suliranin sa pagsusugal na maaari mong kausapin.

FIRST NATIONS

Anong uri ng suporta ang hinahanap mo?

May makukuhang ang mga service counselor sa telepono sa ngayon na. Para sa libre, kumpidensyal na payo at suporta, tumawag sa Service sa 1800 858 858 24/7.

1800 858 858

GambleAware Central Sydney

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Campsie, Belmore, Camperdown, Ashfield, Lewisham 
Email: [email protected]

1800 482 482

GambleAware South Western Sydney

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Fairfield, Bankstown, Liverpool, Campbelltown, Bonnyrigg, Wingecarribee, Wollondilly
Email: [email protected]

1800 482 482

GambleAware South Eastern Sydney

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Kogarah, Sutherland, Bondi Junction, Darlinghurst
Email: [email protected]

02 8382 9601

GambleAware Northern Sydney & Central Coast

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Manly Vale, Narrabeen, Ryde, Tuggerah, West Gosford, Wyong, Toukley, San Remo
Email: [email protected]

1300 827 638

GambleAware Murrumbidgee

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Albury, Wagga Wagga, Corowa, Finley, Deniliquin, Holbrook, Glenroy
Email: [email protected]

02 6021 7099

GambleAware Mid & Northern NSW

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Coffs Harbour, Grafton, Lismore, Port Macquarie and Tweed Heads
Email: [email protected]

02 6651 4093

GambleAware Illawarra & Southern NSW

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Wollongong, Shellharbour, Nowra, Ulladulla, Batemans Bay, Bega, Goulburn, Queanbeyan, Cooma, Harden
Email: [email protected]

02 4267 6600

GambleAware Hunter & New England

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Cardiff, Forster, Gloucester, Maitland, Mayfield, Muswellbrook, Singleton, Taree, Armidale, Glen Innes, Gunnedah, Inverell, Moree, Narrabri, Tamworth
Email: [email protected]

1800 497 065

GambleAware Far & Western NSW

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Bathurst, Bourke, Broken Hill, Cobar, Coonamble, Dubbo, Orange
Email: [email protected]

1300 798 258

GambleAware Blue Mountains & Western Sydney

Kasama sa mga lokasyon ng paghahatid ang Parramatta, Penrith, Lidcombe, Blacktown, Katoomba, Lithgow, Springwood, Emerton, Richmond
Email: [email protected]

1800 482 482

Isang mahusay na paraan upang magkaroon ng kontrol ay ang pagpapasya na harangan, ipagbawal o hadlangan ang iyong sarili mula sa isa o mahigit pang mga pinangalanang lugar ng pasugalan o sa mga online na serbisyo. Ito ay tinatawag na self-exclusion.

Makakatulong ang self-exclusion kung gusto mong gawing madalang, magliban o huminto nang tuluyan. Ikaw ang pipili ng lugar kung saang ayaw mong pumunta. Kahit sino ay maaaring gawin ito, at ito ay libre.

Lahat ng mga lisensyadong nagpapasugal sa Australya ay kinakailangang magbigay ng paraan upang matulungan kang ibukod ang iyong sarili.

Maaari mong ayusin ito nang direkta sa pamamagitan ng service o sa pamamagitan ng tagapayo tungkol sa suliranin sa pagsusugal sa 1800 858 858.

Mga casino, club, pub at ang TAB

Pumirma ka sa isang kasunduan na nagtatakda ng iyong mga obligasyon, kabilang ang hindi pagpapapasok sa iyo sa mga lugar na iyong tinukoy. Kung papasok ka, may pahintulot ang mga kawani na paalisin ka.

Sa NSW, ang pinakamaikling panahon na maaari kang magbukod ng sarili mula sa mga casino, club at pub ay 6 na buwan. Ang pinakamaikling panahon ng pagbubukod ng iyong sarili mula sa mga Ahensya ngTAB at ang kanilang mga lisensyadong lugar ay 12 buwan.

Kapag pinunan mo ang kasunduan sa pagbubukod ng sarili, kailangan kang magbigay ng:

  • kopya ng photo ID (lisensya sa pagmamaneho o pasaporte)
  • larawang pang-pasaporte ang laki
  • listahan ng mga lugar, bahagi ng mga venue at Mga Ahensya ng TABna gusto mong huwag magpapasok sa iyo.

Ang impormasyong ito ay kumpidensyal. Ang iyong pangalan at larawan ay idaragdag sa rehistro ng lugar, ngunit ang mga tauhan lamang na kailangang kilalanin ka ang makakakita nito.

Mga casino, club at pub: paano hadlangan (ban) ang iyong sarili
  • Sa personal: Direktang kontakin ang venue at ipaalam sa kanila na gusto mong ibukod ang iyong sarili. Ipapaliwanag nila kung ano ang dapat mong gawin, at pipirma ka ng isang kasunduan na tumutukoy sa venue, o bahagi ng venue, kung saan mo gustong mapagbawalan ka.
  • Sa pamamagitan ng tagapayo sa suliranin sa pagsusugal: Matutulungan ka ng tagapayo ng GambleAware na magbukod ng sarili mula sa anumang pub, club, TAB Agencyo casino sa NSW, kaya hindi mo na kailangang pumunta sa venue. Maaari mong pagbawalan ang iyong sarili mula sa hanggang 35 na mga venue nang sabay-sabay. Makipag-ugnay sa isang tagapayo sa suliranin sa pagsusugal o tumawag sa GambleAwaresa 1800 858 858 24/7.
TAB: Paano pagbawalan (ban) ang iyong sarili

Tutulungan ka ng TAB’s BetCare Program na punan ang isang form para tumukoy ng hanggang 15 TAB Agency at mga kalahok na hotel at club sa NSW – kasama ang iyong online na account. Upang dagdagan ang kaalaman, tumawag sa 1800 882 876 o tingnan ang brochure ng BetCare.

Mga serbisyo sa online na pagtaya

BetStop – the National Self-Exclusion Register™

BetStop – the National Self-Exclusion Register™ ay isang libreng pambansang serbisyo upang ibukod ang iyong sarili mula sa lahat ng lisensyadong Australian na serbisyo sa online at pagtaya sa telepono sa isang hakbang. Alamin ang higit pa tungkol sa BetStop - ang National Self-Exclusion Register o makipag-ugnayan sa GambleAware NSW kung gusto mo ang aming tulong na magparehistro. 

BetStop – the National Self-Exclusion Register™

Direktang ibukod mula sa mga online na serbisyo

  • Kapag pinagbawalan mo ang iyong sarili sa isang serbisyo sa pagtataya sa online, kasama dito ang TAB, ang iyong account ay masasarhan. Hindi mo ito magagamit sa pagtataya.
  • Maaaring permanente ang pagbabawal, o maaari kang mag-liban ng ilang araw, linggo o buwan.
  • Habang pinagbabawalan ka, maaari mong ilabas ang natitirang balanse, ngunit hindi mo mabubuksan muli ang account.

Bawat legal na serbisyo sa online na pagtataya ay may mga gamit upang matulungan kang mabantayan ang iyong paggastos. Maaari kang magtakda ng limitasyon sa deposito at transaksyon sa kanila, at magpairal ng self-exclusion.

Narito ang ilang link upang matulungan ka — maaari mong gamitin ang Google Translate upang matulungan ka kung walang makukuhang nakasalin sa iyong wika:

Blocking software

Maaaring pigilan ng specialist blocking software ang paggamit sa lahat ng online na site ng pagsusugal, mga server at app sa minsanang hakbang lamang. Ito ay mahusay na paraan upang mapigilan ang mga bata at kabataan na mag-eksperimento ng pagsusugal sa online.

Mayroong 2 uri ng blocking software. Tingnan ang mga balik-tanaw at rating ng mga gumagamit para makapagpasya kung ano ang tama para sa iyo.

General blocking software

Tumutulong sa iyong magtakda ng mga pahintulot (authorisations) o kontrol ng magulang (parental controls) upang mapigilan o masubaybayan ang paggamit sa hanay ng mga website o app.

Bawat serbisyo ay naiiba, ngunit ang mga serbisyong ito ay maaaring magsala (filter) ng iba't ibang kategorya ng mga nilalaman ng online bukod pa sa pagsusugal. Maaari nitong subaybayan ang mga paghahanap (search), ipatupad ang ligtas na pag-search, at magtakda ng mga alerto para sa mga namaykahang (flagged) na salita katulad ng “poker” o “casino”. Maaari rin itong maglagay ng mga pang-araw-araw na limitasyon sa oras ng paggamit ng device. Ang mga halimbawa ng mga serbisyo ay:

Software ng pahahadlang sa mga partikular na pagsusugal

Nagbibigay-daan sa iyong paghahalang ng patalastas sa pagsusugal at paggamit ng mga website sa pagsusugal:

  • Gamban para sa Android, Windows, iOS at macOS
  • GamBlock para sa Android, Windows, iOS at Mac
  • Betfilter para sa Android, Windows, iOS at Mac
  • BetBlocker para sa Android, Windows, Linux, Fire OS, iOS at Mac

Ang pagpapayo sa pananalapi ay isang mahusay na paraan upang matulungan kang makabangon.

Ang mga tagapayo sa pananalapi ay mga may kasanayang propesyonal na makakatulong sa iyo na malampasan ang mga kahirapan sa pera dahil sa pagsusugal.

Ang mga ito ay matatagpuan sa buong NSW, at ang kanilang mga serbisyo ay libre at kumpidensyal.

Ang inyong lokal na GambleAware provider ay nag-aalok ng libreng pagpapayo sa pananalapi. Hanapin ang mga lokasyon at mga contact detail dito o sa pagtawag sa GambleAware sa 1800 858 858.

Maraming libreng serbisyo sa pagpapayo sa buong NSW. Maghanap ng malapit sa inyo sa website ng Financial Counsellors’ Association of NSW.

1800 858 858

Kapag tumawag ka sa GambleAware, aayusin nila na makausap mo ang isang propesyonal na tagapayo ng GambleAware na nagsasalita ng iyong wika o nakakaalam ng iyong kultura. Maaari silang kumuha ng interpreter upang maikonekta ka sa tamang tagapayo.

1800 858 858

GambleAware at ang Serbisyo ng Pagsasalin-wika at Pag-iinterprete (Translation and Interpreting Service - TIS)

Kung gusto mo ng libre at kumpidensyal na payo at suporta na ibinibigay ng GambleAware ngunit gusto mong makipag-usap sa iyong unang wika, maaari ka pa ring makakuha ng tulong na kailangan mo:

  • Tawagan ang Translation and Interpreting Service (TIS) sa 131 450.
  • Hilinging makipag-usap sa GambleAware sa 1800 858 858 sa iyong wika.
  • Tatawagan ng TIS ang GambleAwarepara sa iyo.

Ang mga tawag sa TIS ay kasing-halaga ng lokal na mga tawag mula sa landline. May karagdagang bayad para sa mga mobile phone.

Serbisyo sa Pagsasalin-wika at Pag-iinterprete (Translation and Interpreting Service -TIS)
 

Alamin kung paano makakakuha ng legal na suporta kung ang iyong mga suliranin sa legal ay nauugnay sa pagsusugal. AngGambleAware ay may impormasyon, mga ugnayan link, at mga kontak para masimulan mo na ang iyong paglalakbay.

Gamble Aware

Events and campaigns

GambleAware Week

What's gambling costing you? Ask the question this GambleAware week 16–23 October 2023. 

GambleAware Week

Reclaim the Game

We want to enjoy sport without betting getting in the way. Reclaim the Game and be gamble aware.

Reclaim the Game

Image
Photograph of woman playing pokies superimposed into photo of office, coworker watches on as she plays. Text says 'Are you gambling with your career?'

Be Aware Visit GambleAware

Gambling can impact our lives and loved ones in ways we might not realised. That’s why we all need to be gamble aware.

GambleAware

Talk to someone