Tulong sa Problema ng Nagsusugal Tasmania (Gambler’s Help Tasmania)

Ang Tulong sa Problema ng Nagsusugal Tasmania (Gambler’s Help Tasmania) ay isang serbisyong pagpapayo, suporta, at impormasyon para sa mga taong nahihirapan dahil sa pagsusugal at ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga serbisyo ay libre, kompidensyal, at gumagana sa buong estado.

Ang harapang pagpapayo ay makukuha sa pamamagitan ng Tulong sa Problema ng Nagsusugal Tasmania (Gambler’s Help Tasmania), o sa libreng pagtawag sa Gambling Helpline na bukas 24/7: 1800 858 858.

Gamblers Help

Tulong sa mga wika maliban sa Ingles

Kung hindi Ingles ang iyong unang wika, mayroong suporta para sa iba't-ibang mga kultura at wika sa komunidad. 

Serbisyo sa Pagsasalin-wika at Pag-iinterprete

Serbisyo sa Pagsasalin-wika at Pag-iinterprete (Translation and Interpreting Service - TIS)

Kung gusto mo ng libre at kumpidensyal na payo at suporta na ibinibigay ng Gambler's Help Tasmania ngunit gusto mong makipag-usap gamit ang iyong unang wika, maaari ka pa ring makakuha ng kinakilangan mong tulong:

  •  Tawagan ang Translation and Interpreting Service (TIS) sa 131 450.
  • Humiling na makipag-usap sa Gambler's Help Tasmania sa 1800 858 858 sa iyong wika.
  • Tatawagan ng TIS ang Gambler's Help Tasmania para sa iyo.

Ang mga tawag sa TIS ay kasing-halaga ng lokal na mga tawag mula sa landline. May karagdagang bayad para sa mga mobile phone.

Translation and Interpreting Service - TIS

Anong uri ng suporta ang hinahanap mo?

Ang Anglicare Tasmania ay nagbibigay ng mga hanay ng libreng harapan na serbisyo para sa mga taong apektado ng pagsusugal kabilang ang:

  • Propesyonal, kumpidensyal na pagpapayo para sa mga taong may suliranin sa pagsusugal
  • Pagpapayo kabilang ang mga pinangangasiwaang nagsusuportang grupo para sa mga taong may suliranin sa pagsusugal at kanilang pamilya at mga kaibigan
  • Pinansyal na pagpapayo upang matulungan ang mga taong may mga problema sa pera kaugnay sa pagsusugal
  • Pag-aayos ng pagbubukod ng sarili (self-exclusion).

Mga serbisyo sa pagsusugal sa Tasmania

Makukuha ang mga serbisyo sa pagpapayo ng Gamblers Help sa:

  • Burnie
  • Devonport
  • Launceston
  • Glenorchy
  • Sorrell

Ang mga serbisyong pangmalayo (outreach) ay maaari ring makuha sa mga lugar sa labas ng lungsod.

Kontakin ang Anglicare Tasmania sa 1800 243 232.

Impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa pagpapayo

1800 243 232

Ang Gambler Helpline Tasmania ay nag-aalok ng pagpapayo sa telepono at pati na rin ng pagsangguni (referral) sa mga harapang serbisyo sa pagpapayo. Ang mga tawag sa Helpline ay libre mula sa mga teleponong may kawad (landline) at hindi ililista sa iyong babayaran sa telepono (ngunit maaaring nakalista sa mga bayarin kapag sa mobile). Ang sinumang apektado ng pagsusugal, kabilang ang pagsusugal ng iba, ay maaaring tumawag sa Gambling Helpline Tasmania, 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.

1800 858 858

Pinoprotektahan ng pagbubukod ng sarili ang mga tao mula sa pinsala ng pagsusugal sa pamamagitan ng paghihigpit sa kanilang pagpunta sa mga aktibidad o venue ng pagsusugal.

Ang mga pagbubukod sa lugar (venue-based exclusion) ay nagbibigay-daan upang hindi makapasok ang mga tao sa isa o higit pang mga may pasugalan. Ito ay isinaayos sa pamamagitan ng tagapayo ng Gamblers Help. Kontakin ang Anglicare sa 1800 243 232.

Ang mga pagbubukod sa online (online-based exclusions) ay nagbibigay-daan sa mga tao na makapunta sa partikular na serbisyo ng online na pagtaya ng isang kumpanya ng pagsusugal. Karaniwang magagawa ito sa pamamagitan ng mga setting ng app o website. Makakatulong din ang Anglicaresa prosesong ito.

Para maglagay ng pagbubukod ng sarili

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pagbubukod

BetStop – the National Self-Exclusion Register™

BetStop – the National Self-Exclusion Register™ ay isang libreng pambansang serbisyo upang ibukod ang iyong sarili mula sa lahat ng lisensyadong Australian na serbisyo sa online at pagtaya sa telepono sa isang hakbang. Alamin ang higit pa tungkol sa BetStop - ang National Self-Exclusion Register o makipag-ugnayan sa Gambler’s Help Tasmania kung gusto mo ang aming tulong na magparehistro. 

BetStop – the National Self-Exclusion Register™

Ang Anglicare Tasmania ay nagbibigay ng libre, independyente, at hindi mapanghusgang pagpapayo.

Ang Pagpapayo sa Pananalapi ay maaaring tumulong sa:

  • pagbabadyet
  • pamamahala ng utang
  • batas ng consumer credit
  • kagawian sa pagpapatupad ng utang
  • pagkabangkarota
  • mga patakaran sa kahirapan sa industriya
  • mga konsesyon ng pamahalaan.

Maaari ka ring isangguni ng mga tagapayo sa iba pang kapaki-pakinabang na serbisyo.

Tawagan ang pambansang helpline sa 1800 007 007 at ipapasa ka sa isang Tagapayo sa Pananalapi sa Tasmania.

Ang Self-Management and Recovery Training (SMART) ay isang pang-grupong programa na nag-aalok ng masuportang kapaligiran para sa mga tao upang makamit ang kanilang mga layunin na baguhin ang mga problematikong gawi na may kaugnayan sa pagsusugal.

AngAnglicare Tasmania ay nagho-host ng mga libre at harapang SMART na pagpupulong para sa muling pagbangon (recovery ng linggo-linggo sa Launceston, Hobart at Glenorchy. Mayroon ding mga pagpupulong sa online.

Magrehistro para sa SMART Recovery Group sa pamamagitan ng pagbisita sa Anglicare Tasmania o alamin ang higit pa tungkol sa mga sesyon na ito sa pagtawag sa 1800 243 232 o sa pag-email sa [email protected].

SMART Recovery | Anglicare Tasmania

Pamilya at mga Kaibigan

May mga sesyon ng SMART Recovery group na dinisenyo upang masuportahan ang mga kaibigan o miyembro ng pamilya na naapektuhan ng pagsusugal ng ibang tao.

SMART Recovery Family and Friend Group Sessions

Ang legal na suporta ay makukuha sa pamamagitan ng Legal Aid para samga Taga-Tasmania.

Legal Aid

Talk to someone