Kamalayan sa Problema sa Pagsusugal sa WA (GambleAware WA)

Ang Kamalayan sa Problema sa Pagsusugal sa WA (Gamble Aware WA) ay isang serbisyong pagpapayo, suporta, at impormasyon para sa mga taong nahihirapan dahil sa pagsusugal at ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga serbisyo ay libre, kompidensyal, at gumagana sa buong estado.

Ang harapang pagpapayo ay makukuha sa pamamagitan ng Kamalayan sa Problema sa Pagsusugal sa WA (Gamble Aware WA), o sa libreng pagtawag sa Gambling Helpline na bukas 24/7: 1800 858 858.

GambleAware

Tulong sa mga wika maliban sa Ingles

Kung hindi Ingles ang iyong unang wika, mayroong suporta para sa iba't-ibang mga kultura at wika sa komunidad.

IBA PANG MGA WIKA

Serbisyo sa Pagsasalin-wika at Pag-iinterprete (Translation and Interpreting Service - TIS)

Kung gusto mo ng libre at kumpidensyal na payo at suporta na ibinibigay ng GambleAware ngunit gusto mong makipag-usap gamit ang iyong unang wika, maaari ka pa ring makakuha ng kinakilangan mong tulong:

  •  Tawagan ang Translation and Interpreting Service (TIS) sa 131 450.
  • Humiling na makipag-usap sa GambleAware sa 1800 858 858 sa iyong wika.
  • Tatawagan ng TIS ang GambleAware para sa iyo.

Ang mga tawag sa TIS ay kasing-halaga ng lokal na mga tawag mula sa landline. May karagdagang bayad para sa mga mobile phone.

Translation and Interpreting Service (TIS)

Anong uri ng suporta ang hinahanap mo?

Ang pakikipag-usap sa isang tao tungkol sa iyong pagsusugal ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa iyong buhay. Maaari itong makatulong sa iyong pagkakaroon ng mas magandang pananaw kung paano ito nakakaapekto sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay at humantong sa paggawa mo ng mga hakbang upang gumawa ng mga pangmatagalang pagbabago.

Ang linya ng telepono ay libre, bukas 24 na oras sa isang araw, lahat ng mga tawag ay hindi makikilala at hindi ililista sa iyong bayarin ng telepono kung tumatawag mula sa teleponong de kawad (landline). Kung hindi ka nagsusugal, ngunit naapektuhan ka ng pagsusugal, maaari kang tumawag upang malaman ang higit pa tungkol sa mga problemang nauugnay sa pagsusugal at kung paano haharapin ang mga ito.

1800 858 858

Centrecare Gambling Help W.A.

AngCentrecare’s Gambling Help W.A. ay isang libreng serbisyo para sa mga taong apektado ng pinsala na dulot ng pagsusugal, kanilang mga ka-partner at pamilya. Nag-aalok ito ng masuportang kapaligiran upang pag-usapan ang epekto ng pagsusugal sa kanilang buhay pati na rin ang matuto ng mga bagong paraan upang pamahalaan ang pag-uugali.

Ang harapang tulong ay makukuha sa pamamagitan ng siyam na lokasyon ng Gambling Help WAng Centrecare sa buong metro at rehiyonal na WA: Perth, Bunbury, Cannington, Midland, Esperance, Gosnells, Joondalup, Kalgoorlie at Mirrabooka. Tumawag para makipag-appointment ngayon.

08 9325 5133

Pagpapayo sa mga indibidwal at mag-asawa

Ang mga regular na sesyon ng pagpapayo ay inaalok sa mga indibidwal, kanilang mga ka-partner o miyembro ng pamilya upang talakayin ang kanilang mga pag-aalala tungkol sa ugaling pagsusugal.

Groups

Ang mga taong nagnanais na magkaroon ng mga kasanayan at kumpiyansa na kontrolin ang ugaling pagsusugal sa kapaligiran ng masuportang grupo ay maaaring gumamit sa programang ito. Ang programa ng grupo ay pinapatakbo sa loob ng 10 linggo at nagbibigay sa mga kalahok ng pagkakataon para sa personal na pag-unlad, pananaw at pagkatuto sa pamamagitan ng mga nakaplanong pagsasanay. 

Mga Kaganapan ng Grupo

Isang mahusay na paraan upang magkaroon ng kontrol ay ang pagpapasya na harangan, ipagbawal o hadlangan ang iyong sarili mula sa isa o mahigit pang mga pinangalanang lugar ng pasugalan o sa mga online na serbisyo. Ito ay tinatawag na self-exclusion.

Makakatulong ang self-exclusion kung gusto mong gawing madalang, magliban o huminto nang tuluyan. Ikaw ang pipili ng lugar kung saang ayaw mong pumunta. Kahit sino ay maaaring gawin ito, at ito ay libre.

Lahat ng mga lisensyadong nagpapasugal sa Australya ay kinakailangang magbigay ng paraan upang matulungan kang ibukod ang iyong sarili.

Maaari mong ayusin ito nang direkta sa pamamagitan ng service o sa pamamagitan ng tagapayo tungkol sa suliranin sa pagsusugal sa 1800 858 858.

Self-Exclusion Forms

Narito ang ilang link upang matulungan ka — maaari mong gamitin ang Google Translate upang matulungan ka kung walang makukuhang nakasalin sa iyong wika:

BetStop – the National Self-Exclusion Register™

BetStop – the National Self-Exclusion Register™

BetStop – the National Self-Exclusion Register™ ay isang libreng pambansang serbisyo upang ibukod ang iyong sarili mula sa lahat ng lisensyadong Australian na serbisyo sa online at pagtaya sa telepono sa isang hakbang. Alamin ang higit pa tungkol sa BetStop - ang National Self-Exclusion Register o makipag-ugnayan sa GambleAware WA kung gusto mo ang aming tulong na magparehistro. 

BetStop – the National Self-Exclusion Register™

Ad blocking software

AngAdBlock Plus ay isang libreng ekstensyon para sa mga web browser na nagba-block sa mga ad na lumabas sa mga webpage. Hindi pinapagana ng AdBlock Plus ang hanay ng advertising habang nagba-browse ka sa web, kabilang ang mga banner, ad sa YouTube, pop-up at ad sa social media.

AdBlock Plus

Ang Gambling Help WA ay nag-aalok din ng libreng serbisyo sa pagpapayo sa pananalapi para sa sinumang nakakaranas ng mga epekto ng kahirapan sa pananalapi dulot ng pagsusugal.

Ang maranasan ang mga epekto ng kahirapan sa pananalapi dahil sa pagsusugal ay maaaring magdulot sa iyo at sa iyong pamilya ng pakiramdam nang kawalan ng katatagan, pagkakunsumi, pagkalungkot, pagkabalisa at pag-iisa. Maaari nararamdaman mo na wala kang mapupuntahan at walang makakatulong sa iyo. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa isang kwalipikadong tagapayo sa pananalapi, maaari mong malampasan ang pagkalito na maaaring maramdaman kapag may darating na krisis sa pananalapi.

Financial Counselling

Talk to someone